Until next time, Hon
Debbie's gone and I'm in grief.
Sa kasalukuyan, pilit kong pinaaalalahanan ang sarili ko: "iyon lang ang nakatakda para sa kanya". Hiram lang ang buhay kung kaya dapat lamang tanggapin kahit masakit.
Contemplating about Debbie's Life:
She lived it beautifully, comfortably, happily. Kilala naman siya ang marami mula pa sa pagkabata, Hindi niya kailangan mangarap at magsumikap upang magkaron ng maayos na buhay. Matapos makapagtapos ng kolehiyo, pinadanas lamang na makapagtrabaho ng maikling sandali sa Maynila at tuloy hiniling na ipagpatuloy na lamang asikasuhin ang mga ipinundar ng kanyang mga magulang. Walang gabi na hindi masarap ang kanyang pagtulog. Walang umaga na gugugulin sa pagpapagal upang may masarap na pagsasaluhan ang buong pamilya.
Iba ang naging bokasyon niya sa kanyang buhay --- Ang maging kadamay ng kanyang mga magulang hanggang sa huli. I am a living witness of her immense love taking care of her parents and warmhearted concerns for her siblings too. She was outstanding. She makes decisions. And I supported her all the way. Ibinigay ng Panginoon ang panahon upang maisagawa niya ang kanyang tungkulin hanggang sa mga sandali na siya na lamang ang natira sa kanilang buong pamilya. At sa mga panahong natapos na niya ang kanyang tungkulin, Ako bilang kanyang kabiyak at siya, manapay saka pa lamang sinimulan ang buhay na marahil nailaan para sa amin. Ibinaling niya ang kanyang pansin sa iilang mga bagay: kawanggawa sa abot ng kanyang makakayanan. Sa hospital, tahanan ng mga inabandonang matatanda, bahay ampunan, sa mga kapilya at simbahan kung saan tunguhan ng mga taimtim na nananalangin, nagsusumamo para sa mga pangangailangan. Dati ay nagtataka ako kung paano niya ginagambit sa kanyang pagdarasal: panalangin para sa kapakanan ng iba at sa huli pa ang para sa sarili. Sharing is habitual to her. It was a good life really.
Bilang normal na nilalang, meron din naman po siyang pangarap para sa kanyang sarili. Mga kasiyahan tulad ng shopping, bakasyon sa mga lugar na nakalilibang sa kanya and dining-out with me, travelling to her favorite places. Paulit-ulit. She often calls us wanderduo. At habang nararanasan niya ang kaligayahan, hindi siya nakalilimot sa iba. Ang kasiyahan niya ay gusto din niyang ipadanas sa iba.
Sometimes, when life gets a little boring for her, naitatanong niya sa kanyang mga malalapit na kaibigan: paano daw kaya siya mamamatay? Siyempre walang makasasagot at karakarakay magtatawanan sila.
Hanggang dumating ang sandali sa hindi inaasahang panahon. May malaking binabalak, pinaghandaan at physical na nagpalakas pa. Paalis sana kami para tuparin ang pangarap niyang "Camino de Santiago" at tuloy sorpresahin ang kanyang mga natitirang kamag-anak sa labas ng bansa: karamdamang pipigil pala sa kanyang mga paa at karamdamang hahadlang sa pagtikim niya sa mga pinapagarap niyang mga pagkain. Nakaraos mang napagaling ang kanyang mga paa, ang sakit naman na Pnemonia ang naging sanhi upang sumuko ang kanyang puso at tuluyang bumawi sa kanyang buhay.
Hanggang sa pagtatapos ng kanyang hiram na buhay, patuloy siyang nananalig na gagaling pa siya at maipagpatuloy pa ang kanyang mithiin. Ngunit sa likod nito....sa mga panalangin niyang kanyang binabanggit sa araw-araw....ang pagsuko kung ano man ang kaloob sa kanya..... ay maluwag niyang tatanggapin. Ito po ang kanyang panalangin:
Oh God, grant us serenity to accept the things we cannot change, courage to change the things we can; and the wisdom to know the difference. Living one day at a time, enjoying one moment at a time. Accepting hardship as a pathway to peace. Taking as Jesus did, this sinful world as it is, not as we would have it. Trusting that You will make all things right if we surrender to your will, so that we may be reasonably happy in this life and supremely happy with you forever in the next. Amen.
Ganap na 7:49 ng umaga, Hulyo 22, 2024 binawian siya ng buhay. Sa kanyang Death Certificate nakahayag:
Cardiopulmonary arrest
Pericardial Effusion
Pleural Effusion
Pneumonia
Rheumatic Heart Disease


Comments
Post a Comment