Posts

Showing posts from August, 2024

Better Together

Image
Hon, sa walang hanggan mong pagmamahal sa akin, thank you. Simula pa sa unang araw nang tayo ay magkakilala, mga oras na ginugol natin magkasama hanggang sa magdesisyon tayong magpakasal at magbigkis….buong buo ang iyong pasya na mahalin ako at makasama habang buhay. Naging napakabuti mong kabiyak at buong pusong tinanggap ang hamon ng buhay may asawa kung anuman ang ilaan sa atin ng tadhana. Napakapalad natin na hindi naman tayo hiniwalayan ng iyong pamilya upang magaan nating balikatin ang buhay magasawang inilaan sa atin ng kapalaran. Bagaman hindi tayo nabiyayaan ng supling, malugod nating tinanggap ang isat-isa sa likod ng ating mga kakulangan at walang dudang niyakap ang bawat isa, patuloy pang pinagyaman at magiliw na isinabuhay ang pagmamahalan natin.   Hindi naging dahilan kailan man ang kakapusan bagkus naging kasangkapan pa upang sa tuwina ay ipalagay natin ang kasabikan na tila panahon ng “pulot-gata” ang bawat sandaling darating. Maraming mga bagay ang tayo ay ...