Until next time, Hon
Debbie's gone and I'm in grief. Sa kasalukuyan, pilit kong pinaaalalahanan ang sarili ko: "iyon lang ang nakatakda para sa kanya". Hiram lang ang buhay kung kaya dapat lamang tanggapin kahit masakit. Contemplating about Debbie's Life: She lived it beautifully, comfortably, happily. Kilala naman siya ang marami mula pa sa pagkabata, Hindi niya kailangan mangarap at magsumikap upang magkaron ng maayos na buhay. Matapos makapagtapos ng kolehiyo, pinadanas lamang na makapagtrabaho ng maikling sandali sa Maynila at tuloy hiniling na ipagpatuloy na lamang asikasuhin ang mga ipinundar ng kanyang mga magulang. Walang gabi na hindi masarap ang kanyang pagtulog. Walang umaga na gugugulin sa pagpapagal upang may masarap na pagsasaluhan ang buong pamilya. Iba ang naging bokasyon niya sa kanyang buhay --- Ang maging kadamay ng kanyang mga magulang hanggang sa huli. I am a living witness of her immense love taking care of her parents and warmhearted concerns ...